Wednesday 9 November 2011

Alphabet Brothers - Chapter 1




Chapter 1


Keep smillin'
Keep shinin'

Knowin' you can always count on me
For sure
That's what friends are for

In good times
And bad times
I'll be on your side forever more
That's what friends are for...



Bakit ba lagi na lang ako naiiyak tuwing maririnig ko ang kantang ito tapos after ko marinig eh hindi maalis ang galit sa puso ko. Akala ko ba eh ok na ako. Na nakapag move on na ako pero bakit affected pa din ako sa bwisit na kantang ito.

Dali dali ako tumayo sa aking working table at agad na tinungo ang cabinet kung saan nakalagay ang component system.

Bwisit! Bwisit talaga… sa dinami dami ba naman ng pwede nila patugtugin eh bakit ang kantang iyon pa na nagpapaala sa kanya ng mga bagay at pangyayari na pilit nila kinakalimutan at tinatakasan.

“Oi friend bakit mo inilipat ung station ng radio… mega emote pa naman ako sa kantang pinapatugtog. Asar ka naman eh!”

“Naku pwede ba tigilan mo na yang kaka emote mo! Kaya hindi tayo pinapasok ng customer eh puro negative chi ang nasa loob ng store.”

“Ikaw na! Award ka teh, ang aga aga eh sobrang init ng ulo mo! Meron ka dalaw ngaun?” pagbibiro naman ni Kaye.

“Tumawag nga pala ang lola mo kahapon at hinahanap ka, sabi ko na lang eh nasa labas ka at may pinuntahan. Itinanong ko daw sau kung uuwi ka daw na nalalapit niyang birthday.”

“Wala akong plano umuwi at hindi ako para umuwi pa sa kanila” sagot naman ni Bryan.

“Bitter pa din?’

“Ako? Bakit naman?”

“Eh kasi isa lang naman ang alam ko na reason eh kung bakit ayaw mo umuwi sa inyo at ito at dahil kay.—“

“Tigilan mo ako Kaye!” pagsasaway ko sa kanya.

“Matagal na yun at wala na ako balak pa alalahanin yun. At isa pa masaya na sila sa buhay nila. So better for me to move on and be happy”

“Pero the, masaya ka ba? It’s been 10years. You’ve isolated yourself from your family and now na nahanap ka na nila pilit mo pa din inilalayo ang sarili mo. Kelan mo balak harapin ang realidad pag malapit ka na mamatay?”

“Ok… ok… para tigilan mo na ako, tatawagan ko na lang si Mamu mamaya.”

Sa totoo lang hindi naman niya totally inasolate ung sarili niya sa family, lahat ng mga nangyari sa kanya eh alam ng Mamu niya… ang kanyang lola. Ito lang kasi ang tao na alam niya na nakakaintindi at nagmamahal sa kanya. Hindi niya nalilimutan ang mga special occasion ng bawat taon, yun nga lang puro postcard lang lagi niya ipinadadala at sinasabi na ok naman ang buhay niya. Nasa maayos ang kalagayan niya at huwag ito masyado mag alala pa sa kanya.

Sa loob ng 10 taon ngaun na lang uli niya makakausap ang Mamu niya. Nagkaton na meron isa sa taga kanila ang nakapunta sa store na itinayo nila ni Kaye at ito rin marahil ang nagsabi sa pamilya niya kung nasaan na siya at ito rin ang nagbigay ng contact number ng tindahan nila.


10 years… Marami na ang nagbago sa buhay ng bawat isa. Meron na sila kanya kanyang pamilya. Isa lang sa ngaun ang pinka mahalagang bagay para sa kanyang buhay… si Derrick ang nag iisa niya anak. Si Derrick na bunga ng minsang malasaing siya at nagising na lang na katabi ang isang babae na nakilala niya sa isang bar.


“Dada… totoo ba ang sinabi ni Tatum Kaye? Uuwi tayo kila Mamu?” ang bumasag sa kanyang diwa.

“Hindi ko pa alam anak.. Alam mo naman na busy ang Dada dito di ba? Atsaka wala makakatulong ang Tatum mo sa pagmamanage ng store” paliwanag niya sa anak.

“Pero sabi ni Tatum eh birthday daw ni Mamu… sige na Dada let’s go and see Mamu on her birthday… I also want to meet Lolo… Lola… Tito Charles…Tito Adrian…. And Dada I hope Brenda is still alive. I want to ride on her back the way you did based on your stories. I hope she will like me too.  And… and…I want to see Mamu if she really had that golden hair in the picture.” Kitang kita mo sa mga nito ang excitement.

Pleaseeee… Pleaseee…” pagmamakaawa nito sa akin

Ngunit bigla na lang itong natahimik.

“Do you think they will like me? Do you think they will get afraid when they see?” bakas sa mukha nito ang pangamba.

“I’m sure they will all like you… kasi ikaw ang pinaka poging bata sa balat ng lupa” sabi ko sa aking anak na halos madurog ang puso ko.

Kung hindi ko lang sana… sana… hindi mangyayari ito sa kanya at hindi ko na napigilang pumatak ang mga luhang kanina pa nagbabadya.

“Dada, why are you crying?”

“Nothing son, I'm just thankful na binigayan ako ng isang napakatalino at poging pogi na anak.”

“Ok… here’s what you should do. Pack all your things and then 3 in days time eh puntahan natin ang Mamu pati na din sila lolo, lola at ang mga tito mo.”

“Really?”

“Yes.”

“Yeheey..” nagtatalon nitong sabi.


Makalipas ang dalawang arw eh nagtatalo pa din ang kalooban ko kung tutuloy ba kami ng aking anak sa pag-wui sa amin. Hindi ko mailarawan ang aking pakiramdam sapagkat namamayani pa din sa akin ang takot at pangamba ng dahil sa aming nakaraan at kung matatanggap ba nila ang aking anak.

“Pakiulit nga nga? Baka mali lang ako sa narinig ko? “ balik na sagot sa akin ni Kaye.

“OO, totoo lahat ng narinig mo”.

Ito na yata ang isa na malaking pagkakamali niya na gawa sa buhay niya ang ikwento kay Kaye ang part ng kanyang nakaraan. Alam niya na dapat ang mga ganung bagay ay hindi na niya dapat pa ikwento sa iba.

“Sa tagal tagal nating magkaibigan hindi mo man lang naikwento sa akin ang mga bagay iyan. Pero matagal na yun nangyari siguro naman sa hinaba haba ng panahon na iniwan mo sila eh naka pagmove on na kau pare pareho”.

“So ano plano mo ngaun? Kita mo naman at excited na yung anak mo na makita at makilala ang pamilya mo" sabi ni Kaye.


“Kung meron lang sana ibang choice eh yun ang pipiliin ko kaya lang nung tinawagan ko si Mamu nung isang araw eh nagbanta na ito na kung hindi ako uuwi sa kaarawan niya eh kalimutan ko na lang daw na meron akong Lola.”

“Ang hirap Kaye, alam mo ba na hati ang loob ko. Gusto ko sana huwag na pumunta pero yung isang parte naman ng utak at puso ko eh sinasabi na panahon na siguro para harapin ko ang aking takot sa pamillya.

At ganun na nga ang nangyari, kinabukasan eh natuloy ang aming pag-uwi ni Derrick sa probinsya.

No comments:

Post a Comment