Wednesday 23 November 2011

Alphabet Brothers - Chapter 2





CHAPTER 2


Ako si Bryan Morales, 25 years old at may isang anak. Hindi lingid sa pamilya ko ang tunay kong katauhan gayun din sa mga taong malalapit sa akin tulad ng aking mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Papalit palit ako ng nakakarelasyon dati pero mula ng magkaroon ako ng anak eh dito na nagbago ang pananaw ko sa buhay.




“Dada look!” tuwang tuwa si Derrick habang itinuturo sa akin ang kabayo na kanyang nakita sa daan. Madalas kasi sa mga books or sa TV niya nakikita ang mga yun kaya ganun na lang ang kanyang pagka amaze na makakita sa personal.




“Dada, do you think they will like me?




“Will they get scared if they see me?”




“Does she have that creepy voice you used to tell me when she sings?”




“I wonder if her hair is still gold”




“Dada kwentuhan mo naman ako ng mga bagay tungkol kay Mamu.” 




“Why don’t you take a nap and sooner we’ll be there, ok?” sabi ko sa aking anak.




“Ok, but make sure to wake me bago tayo dumating dun ha?”




“I will.”




Ito ang mga katanungan na lagi sinasambit ng aking anak sa akin habang nasa biyahe kami. Hindi ko naman maipakita sa kanya ang awa dahil iyon ang advised sa akin ng doctor na huwag pakitaan na awa ang anak ko upang hindi bumaba ang self esteem nito.




Hinimas ko na lang sa ulo sa aking anak habang hindi ko maiwasan na balikan ang naging dahilan kung bakit naging ganun ang kalagayan niya.




Hindi maalis sa puso at isipan ko ang galit sa ina ng aking anak at ganun na din sa aking sarili. Kung sana at mas naging hands on ako sa kanya eh hindi sana ito sasapitin ni Derrick.




Papasok na ako ng bahay noon galing sa trabaho ng marinig ko ang biglang pagpalahaw na iyak ng aking anak, iyak na alam mo na nasaktan ito. Dali dali ako pumasok sa bahay upang tingnan ito, ganun na lang ang panlulumo ng madatnan ko ito nakahandusay sa kusina, lapnos ang mukha nito at halos buong parte ng katawan. Mula sa aking kinatatayuan eh tinakbo ko ito at binuhat upang madala agad sa ospital at malapatan ng lunas. Bawat iyak at daing ng aking aking anak eh parang patalim na tumutusok sa aking puso.




Ito na yata ang pinakamatagal na biyahe naming sa buong buhay ko. Inabot ng halos 30mins bago kami nakarating ng ospital.




“Doctor, musta na po ang lagay ng anak ko?”




“Sir, 4th degree burn po ang inabot ng inyong anak at maaari pong maging permanent na yung mga scars sa mukha niya at katawan” pahayag ng doctor sa akin.




Ganun na lang ang panlulumo ko sa sinapit ng aking anak. Halos hindi ko matagalan na makita siya sa ganung kalagayan. Masakit para sa akin na makita siyang naghihirap sa halip na dapat ineenjoy niya ang kanyang kamusmusan.




“I’m sorry Bryan, hindi ko ko sinasadya."




"Hindi mo sinasadya? or talagang wala ka lang pakiaalam sa anak ko? 




“At sorry? Ano magagawa ng sorry mo! Nakita mo ba ang kalagayan ng anak ko? Nararamdaman mo ba ang  sakit at kirot ng mga sugat niya? Ipinanalangin ko na sana sa iyo nangyari ito para maramdaman mo ang pinagdadaanan niya. Hayop ka! Isa lang naman ang lagi ko ipinakikiusap sa iyo di ba? Ang alagaan mo ng mabuti ang anak ko... pero pinabayaan mo pa din siya. Ano na lang ang magiging kinabukasan ng anak ko ngaun... Paano kinakaya ng budhi mo na sirain ang kanyang kinabukasan. Paano niya tatanggapin nganun ang kanyang kalagayan?"




"Lumayas ka sa harapan ko at baka mapatay lang kita!  Tutal wala ka din naman pakiaalam sa kanya di ba? Naging ina ka lang naman sa kanya kasi ikaw ang nagsilang pero maliban pa dun wala na. Ayaw ko na madadatnan ka sa aking pamamahay at please lang huwag ka na magpakita sa amin ng anak ko habang buhay dahil hindi ka namin kailangan."




Iyon ang huli naming pag uusap at pagkikita ng mother ni Derrick.




“Are we there yet?” tanong sa akin ng anak ko na nagpabalik sa aking diwa.




“We’re reaching soon anak and when we get there I wan’t you to give Mamu the biggest hug you could ever give ha?”




“Yes Dada, I will. Can’t wait to see Mamu.”




After 1 hour eh narating din namin ang bahay na aking kinalakihan.




Tulad ng panahon ng lisanin ko ang bahay na minsan ko nilisan ay wala pa rin itong pagbabago. Muling bumabalik ang mga alaala ng aking kabataan at halos kalahti ng buhay ko na ginugol ko sa lugar na ito.




“Bryan! Welcome back!” ang salubong ni Mamu na halos paliguan ako ng halik sa aking mukha. Halos wala pa din itong ipinagbago sa paglipas ng panahon. Ganun pa din ang kulay ng buhok nito na akala mo mo eh buhok ng mais na kulay ginto. Ang suot nito na damit na sobrang loud ng kulay. And take note ang mukha nito na halos hindi na ata nabubura ang makeup sa mukha.




“Mamu, I miss you!” habang yakap yakap ko siya. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaiyak sa muli naming pagkikita. Naputol lang ang aming yakapan ng maramdaman ko na hinihigit ni Derrick ang aking damit.




“Hmmm… ito na ba ang aking apo na si Derrick?”




“Opo Mamu” sagot ko habang si Derrick naman eh pilit na ikinukubli ang kayang sarili sa aking likuran dala na marahil  pagkamahiyain nito at takot na baka hindi siya matanggap ng mga taong kanyang dadatnan.




“You must be Derrick, right?” magiliw nitong tanong sa aking anak.




“I heard so much about you, kung gaano ka katapang, katalino at higit sa lahat kung gaano ka ka cute” ang magiliw na sabi nito.




Sa pagkakasabi naman ni Mamu ng ganun eh unti unti sumilay ang ngiti sa mukha ng anak ko. Lumapit ito kay Mamu at niyakap ito. Tuwang tuwa naman ang matanda dahit katulad ng ginawa nito sa akin eh ganun din ang ibinalik sa kanya ng anak ko ang halos paliguan din ito ng halik sa sobrang tuwa. 




“Wala pa ang iyong mga kapatid at magulang malamang nasa tindahan pa sila. Tamang tama na rin iyon para naman makapagkwentuhan tao ng maayos. Matagal tagal na din hindi tayo nag uusap tiyak ko marami ka ikukwento sa akin tungkol sa naging buhay mo ng nakalipas na 10 taon. “




“Mamu kumusta na sila?”




“Ok naman ang sila, sa katunayan eh malakas pa din ang store ng iyong mga magulang at ang dalawa mo naman kapatid eh maayos naman ang mga buhay nila kasama ang kanilang mga asa-asawa.”




“Mabuti naman kung ganun atleast sa pagkakaalis ko eh naging maayos ang lahat para sa kanila…. Para sa ating lahat.”




“Hindi mo pa din ba sila napapatawad sa mga ginawa nila hanggang ngaun?”




“Ayaw ko na balikan ang nakaraan Mamu… kaya lang naman kami umuwi eh dahil sa takot na totohanin mo ang pagtakwil sa amin ng anak ko. Pagkatapos ng iyong kaarawan eh babalik na din kami sa lungsod. Hindi ko kasi n pwede ibigay lahat ng responsibilidad ng pagpapatakbo ng tindahan kay Kaye at isa pa eh madami pa din akong mga nakabitin na commitments. Nagpaalam lang ako sa kanila ng ilang araw pero kinakailangan naming talagang bumalik agad dun.”




“Wala ba akong pwedeng gawin upang pigilan kayo para dito na lang manatili ng sama sama tayo… bilang isang masayang pamilya?”




“Mamu pagtatalunan na naman ba natin yan? Hindi ka ba napapagod na paulit ulit lang tayo ng usapan. Huwag ka mag alala iiwan ko naman ang address ko sa lungsod para kung maisipan ninyo na dalawin ako doon.”




“O siya… total naman eh andito ka na at maaring ito na ang last birthday ko eh meron sana ako isang kahilingan.”




Sa sinabi na yun ni Mamu eh parang nakukutuban ko na ang kanyang nais mangyari.




“Mamu kung ang iniisip mo eh ang pagsama-samahin muli kaming tatlo eh hindi ko maipapangako sa iyo yan. Pagpasensyahan nyo na ako po ako ngaun pa lang pero hindi ko kaya ang hinihiling nyo.”




"Bakit naman hindi pwede eh magkakapatid naman kayo… Mas magiging masaya ang aking kaarawan kung makikita ko kayo magkakasama at tulad ng dati na masaya.”




"Dati yun Mamu… iba na ngaun… iba na ang sitwasyon naming at mula nung mangyari ang bagay na yun eh ipinangako ko sa aking sarili na kahit kailanman eh ayoko na magkaroon ng uganayan sa aking mga kapatid. I’m really sorry Mamu pero ayoko talaga.”




Ang sarap ng aming kwentuhan ni Mamu kaya hindi namin namalayan ang pagdating ng aking mga magulang. Ganun na lang ang aking pagkasabik sa kanila at agad ko sila niyakap at humingi ng sorry. Tulad namin ni Mamu hindi maiwasan na muling umagos ang mga luha namin. 




Habang nasa ganun kami eksena isang tao naman ang tumawag sa aking pangalan.




"Bryan?"




"A.....drian."


No comments:

Post a Comment